dzme1530.ph

Freeze order sa assets ng mga opisyal ng DPWH at mga kontratistang sangkot sa flood control anomaly, resulta ng imbestigasyon ng Senado

Loading

Ipinagmalaki ni Sen. Erwin Tulfo ang pag-freeze ng mga bank account ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga kontratista na dawit sa katiwalian sa flood control projects.

Aniya, ito ay malinaw na magandang resulta ng imbestigasyon ng Senado at expose ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, kasunod ng aksyon ng Anti-Money Laundering Council sa gitna ng alegasyon ng money laundering.

Giit ni Tulfo, “perfect timing” ang naging hakbang ng AMLC at dapat sundan ito ng mabilis na pag-usig sa mga sangkot sa pagnanakaw ng pera ng bayan. Idinagdag pa nito na walang dapat santuhin pagdating sa paglilitis ng mga dawit sa anomalya.

Para naman kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, tama lamang na maagap na naglabas ng freeze order ang AMLC dahil malakas na ang ebidensiya laban sa mga taga-DPWH at mga kontratista na kinasuhan na.

About The Author