Posibleng mag-leave of absence si House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa isang miyembro ng Kamara na tumangging magpakilala, patuloy na umiinit ang isyu kay Romualdez, ngunit nananatili ang malakas na suporta ng kanyang mga kasamahan.
Isa sa mga opsyon umano ang pag-leave of absence ni Romualdez, at ang tinutukoy na posibleng kapalit ay si Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy III mula sa Isabela 6th Congressional District.
Si Dy ay nagsimula sa politika bilang mayor ng Cauayan, Isabela, naging 3-term Congressman mula 2001 hanggang 2010, Governor mula 2010 hanggang 2019, Vice Governor mula 2019 hanggang 2025, at muli ngayong kongresista sa 20th Congress.
Kinikilala si Dy bilang isa sa mga respetadong miyembro ng Kamara, partikular sa hanay ng Partido Federal ng Pilipinas kung saan ito kasapi.
Una ring lumutang ang mga pangalan nina Bacolod Rep. Albee Benitez, Navotas Rep. Toby Tiangco, at Rep. Duke Frasco bilang posibleng challenger ni Romualdez.