Pinatotohanan ni Vice President Sara Duterte na nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa ICC detention facility sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Duterte, nagkausap sila sa telepono nitong Biyernes at napag-usapan ang ilang isyu gaya ng pulitika, flood control at love life. Tumanggi naman itong ibahagi ang detalye kaugnay sa flood control dahil bawal umanong ibahagi ang mga napag-uusapan sa loob.
Nauna nang sinabi ng abogado ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman na hindi na kayang humarap ng dating pangulo sa aktwal na paglilitis at marami na rin umano itong hindi naaalala kaugnay sa madugong kampanya kontra droga noong kanyang termino.
Ito ang dahilan kung bakit na-defer o ipinagpaliban ang nakatakda sanang confirmation hearing ng dating pangulo ngayong Setyembre.
Inaasahan namang magkakaroon ng hiwalay na pagdinig hinggil sa “competency” ni Duterte, kung saan mga eksperto ng ICC ang magtatakda ng magiging desisyon.