Ipinaliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na magmumula sa Office of the President ang pondo para sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects sa nakalipas na sampung taon.
Gayunman, kung hindi sapat ang pondong ilalaan ng Malacañang, maaari umanong mag-request ang komisyon sa Department of Budget and Management (DBM) at itsa-charge ito sa contingent fund para sa maintenance, operating expenses, at capital outlays.
Dagdag ni Pangandaman, ang nakalaang budget para sa flood control projects sa 2026 ay ililipat sa ICI.
Inihayag din ni Pangandaman na nakagawa na ito ng draft para sa budget at iba’t ibang options ng independent body.
Sa pagtaya ng DBM chief, ang pondo para sa personnel services ay nasa minimum na ₱21 million.