dzme1530.ph

Bagong Muslim judges, nanumpa sa SC sa ilalim ng PMJA

Loading

Nanumpa ang mga bagong opisyal ng Philippine Muslim Judges Association (PMJA) sa pangunguna ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa isang seremonya sa Korte Suprema.

Dumalo rin si Associate Justice Japar Dimaampao, kasama ang bagong PMJA President na si Court of Appeals Justice Edilwasif Baddiri.

Kabilang sa nanumpa ang mga bagong presiding judges mula sa iba’t ibang antas ng hukuman, habang nagsilbing tagapayo ang retiradong Shari’ah Judge Kaudri Jainul.

Itinuring ang seremonya bilang simbolo ng pagkakaisa ng tradisyunal na Shari’ah justice system at pambansang hudikatura, patunay ng paggalang sa karapatan at paniniwala ng Muslim community.

Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng PMJA sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga hukom sa Shari’ah at pambansang batas, lalo na sa mga komunidad na Muslim.

 

About The Author