dzme1530.ph

PAGCOR, gumagamit na ng AI tool laban sa illegal gambling websites

Loading

Gumagamit na ang PAGCOR ng AI-powered tool para madetect ang mga illegal gambling websites.

Ayon kay Atty. Jessa Marix Fernandez, Assistant VP ng Offshore Gaming Licensing Department, kaya nitong makadetect ng mga site kada segundo at agad na nai-uulat sa mga ahensya tulad ng NTC, DICT at CICC para ma block.

Paliwanag nito, dati ay nadidiskubre lamang ang mga illegal sites sa pamamagitan ng reklamo o monitoring team.

Samantala, kinumpirma ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na tinanggal na ng e-wallet companies ang mga gambling links sa kanilang apps, pero ginagamit pa rin ang mga ito para sa cash-in at cash-out ng taya at panalo.

Aniya, mga mule accounts sa e-wallets ang ginagamit ng illegal gambling operators, kaya’t magpapatupad sila ng mas mahigpit na polisiya.

Kasabay nito, inamin ng PAGCOR na bumaba ng 40–50% ang kanilang kita mula sa online gambling matapos ang delinking ng e-wallets.

About The Author