dzme1530.ph

House Speaker Romualdez, buo ang suporta sa ICI investigation

Loading

Buo ang suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mag-iimbestiga sa flood control anomalies.

Ayon kay Romualdez, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lumikha ng komisyon kaya wala umanong dahilan para hindi ito suportahan, lalo’t iginiit din ng Punong Ehekutibo na walang makakaligtas sa pagpapanagot.

Sa panig ng Kamara, sinabi ng Speaker na kanilang niyakap ang “principle of accountability” para sa transparency at upang maibalik ang tiwala ng publiko.

Dagdag pa nito, suportado nila ang babala ng Pangulo laban sa “name-dropping at reckless accusations,” at dapat ay facts at evidence ang batayan ng imbestigasyon at hindi tsismis, innuendo, o hearsay.

Binigyang-diin ni Romualdez na hindi magiging taguan ng maling gawain ang Kamara, kabilang na ang mga kongresista. Aniya, wala silang itinatago, walang poprotektahan, at higit sa lahat ay hindi lilihis sa interes ng taumbayan.

Para kay Romualdez, ang ICI ay isang oportunidad para malinis ang sistema. Kasabay ng pakikiisa, sinimulan na rin ng Kamara ang pag-review sa procurement safeguards at monitoring ng project implementation upang mapalakas ang oversight at maiwasan ang mga butas sa sistema.

About The Author