dzme1530.ph

Globe pinalalawak ang pisikal na presensiya para sa mas mahusay na customer experience

Loading

Pinalalakas ng Globe ang estratehiya nito sa pakikipag-ugnayan sa mga customer sa pamamagitan ng mabilis na pagbubukas at pagpapalawak ng mga pisikal na tindahan sa buong bansa. Layunin nitong maghatid ng mas magandang karanasan para sa mga kliyente na mas gusto pa rin ang face-to-face interactions.

Bagama’t nananatiling lider sa digital-first service, patuloy ang Globe sa pamumuhunan sa pisikal na presensiya upang matiyak na may access ang mga customer sa expert support, device upgrades, broadband plans, at iba pang serbisyo malapit sa kanilang tahanan at trabaho.

“Our true North Star is the customer,” wika ni Globe President and CEO Carl Cruz.

Kamakailan, muling binuksan ang upgraded store ng Globe sa Robinsons Manila na nag-aalok ng pasadyang in-store experiences, mula frontline service support hanggang lifestyle-driven mobile at broadband solutions.

Sa mga rehiyon, lumalawak ang access sa pamamagitan ng flexible store formats gaya ng Globe Microshop sa Boracay at TM Tindahan sa Vigan. Pinakabago rito ang TM Tindahan sa Sorsogon City, na nag-aalok ng Globe at TM products, 5G-ready phones, postpaid applications, broadband plans, at GCash cash-ins.

“With TM Tindahan, our goal is to create convenient, in-community touchpoints that bridge gaps in product access while helping our customers stay connected,” dagdag ni Cruz.

Sa Visayas, nagbukas din ang Globe ng pop-up store sa Bohol bilang hub para sa next-generation digital solutions at in-person service delivery.

Ang mga hakbanging ito ay bahagi ng mas malawak na pagbabago ng Globe tungo sa pagiging full-service digital solutions platform na pinagsasama ang teknolohiya, inobasyon, at personal na serbisyo upang makabuo ng pangmatagalang ugnayan sa mga Pilipino.

About The Author