dzme1530.ph

DPWH chief, makikipagpulong sa AMLC; assets ng mga personalidad na iniimbestigahan sa flood control, planong i-freeze

Loading

Inanunsyo ni Public Works Sec.Vince Dizon na makikipagpulong siya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Lunes.

Ito ay para talakayin ang posibleng hakbang para sa pag-freeze at pagbawi ng assets ng mga personalidad na nahaharap sa corruption complaints na nag-ugat sa kwestyonableng flood control projects.

Binigyang-diin ng kalihim na kailangang maibalik ang pera ng taumbayan.

Sinabi ni Dizon na sasaklawin ng freeze orders at forfeiture proceedings ang lahat ng kinasuhan at kakasuhan pa sa Office of the Ombudsman.

Inanunsyo rin ng DPWH chief na ihahain nila ang ikalawang batch ng criminal complaints sa Miyerkules laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa flood control irregularities sa Oriental Mindoro.

Kahapon ay naghain si Dizon ng asunto laban sa dalawampu’t limang indibidwal kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

About The Author