dzme1530.ph

Pagtanggap ng donasyon ng senador sa mga government contractors, maaaring maging grounds ng ethics complaint

Loading

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na posibleng maging grounds ng reklamo sa Senate Committee on Ethics ang pagtanggap ng isang senador ng campaign contributions mula sa government contractors.

Ito’y kaugnay ng pag-amin ni Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., na nagbigay siya ng ₱30 milyon campaign funds kay dating Senate President Chiz Escudero noong 2022.

Ayon kay Sotto, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga kandidato ng donasyon mula sa mga kontratista ng mga proyekto ng gobyerno.

Gayunman, nilinaw nitong hindi maaaring imbestigahan ng Senado ang kapwa nila miyembro hangga’t walang reklamong inihahain.

Payo naman ni Sotto kina Escudero at sa ibang kandidato na nadadamay sa isyu, sana ay naging mas maingat sila sa pagtanggap ng campaign funds, lalo’t malinaw na ipinagbabawal ang pagtanggap mula sa mga korporasyon o personalidad na may direktang transaksyon sa gobyerno.

About The Author