Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinibak sa puwesto si dating PNP Chief Police General Nicolas Torre III dahil sa pagtutol nito sa terms of appointments ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Giit ng Pangulo, malinaw sa chain of command na mas mataas ang NAPOLCOM bilang civilian authority, kumpara sa PNP na isang civilian organization.
May very specific powers aniya ang NAPOLCOM sa appointments, na hindi sinunod ni Torre.
Nilinaw ni Marcos na dumaan sila sa maraming diskusyon bago ipinatupad ang pagtanggal kay Torre, na una nang binalewala ang resolusyon ng NAPOLCOM laban sa kanyang kautusan na i-reassign ang ilang opisyal ng PNP, kabilang si Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na humalili sa kanya bilang PNP Chief.