dzme1530.ph

Pananagutan ng Casino operators sa money laundering scheme ng mga DPWH official, pinasisilip

Loading

Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo na dapat silipin sa imbestigasyon ang mga land-based casino matapos mabunyag ang umano’y money laundering scheme ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasunod ito ng pagbubunyag ni Sen. Panfilo Lacson na nakapagpalit ng milyon-milyong pisong cash sa casino chips at vice versa ang ilang district engineers na sangkot sa flood control projects.

Ayon kay Tulfo, dapat mas mahigpit ang pagpapatupad ng “Know Your Client” policy para matiyak na hindi nagagamit ang mga casino sa money laundering.

Dagdag naman ni Lacson, nahirapan silang tukuyin ang mga opisyal dahil alyas ang ginamit ng mga tinawag niyang “Bulacan Group of Contractors” o BGC boys.

Binigyang-diin pa nito na maaari ring managot ang mga casino operators kung mapatunayang pinayagan nilang maglaro ang mga opisyal ng gobyerno.

About The Author