dzme1530.ph

Halaga ng mga government projects, pinabababaan

Loading

Inirekomenda ni Sen. Loren Legarda sa Department of Budget and Management (DBM) na bawasan ang halaga ng government projects upang hindi makupitan ng tiwaling opisyal ang pondo.

Sa pagtalakay sa proposed budget ng DBM, sinabi ni Legarda na dapat ibaba ang ceiling ng costing ng mga proyekto sa national budget para maiwasan ang katiwalian at wala nang dahilan para magbigay ng lagay.

Dagdag ng senadora, kung mas mahigpit ang oversight at monitoring, may matitipid pang pondo na maaaring ilaan sa dagdag na proyekto.

Binigyang-diin din ni Sen. Rodante Marcoleta na sadyang tinataasan ang costing para magkaroon ng kickback, at sa Senate Blue Ribbon hearing mismo ay lumabas na nasa 43% lang ng pondo ang natitira para sa aktwal na proyekto.

Sinabi naman ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ipina-review na sa DPWH ang standard costing, at nag-commit si Sec. Vince Dizon na ibaba ng hanggang 40% ang susunod na budget matapos i-review ang flood control projects.

 

About The Author