dzme1530.ph

Abogado ni FPRRD, umapela sa Marcos admin

Loading

Hiniling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Marcos administration na payagan itong makabalik sa Pilipinas, kapag kinatigan ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang hirit na interim release.

Idinahilan ng kampo ng depensa ang “age and conditions of detention” ni Duterte sa ICC.

Sinabi ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ng dating pangulo, na patuloy ang pagbagsak ng kalusugan ng kanyang kliyente at apektado ang kakayahan nitong mapag-aralan ang ebidensya at magbigay ng instructions.

Umaasa aniya ang depensa na mapagkakalooban ng kasalukuyang administrasyon si dating Pangulong Duterte ng patas na paglilitis sa sariling bansa, at payagan itong umuwi nang may dignidad, para sa interim release hanggang sa matapos ang legal proceedings.

Simula noong Marso ay nasa kustodiya na ng ICC sa The Hague, Netherlands ang otsenta anyos na dating pangulo, bunsod ng kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong drug war sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

About The Author