dzme1530.ph

2 dating district engineers ng Bulacan, inirekomendang ipaaresto

Loading

Pinaaresto ni Sen. JV Ejercito ang dalawang dating district engineer ng DPWH Bulacan First District dahil sa mga isyu ng maanomalyang flood control projects.

Kinilala ang mga ito na sina dating District Engineers Brice Hernandez at JP Mendoza na napaulat na nagtataglay ng luxury items, may iregular na work hours, at madalas na nasa casino.

Sinabi ng senador na mukhang wala nang planong sumipot sa pagdinig ang dalawang district engineer kahit naisyuhan na ng subpoena at na-contempt na. Dahil dito, iginiit ni Ejercito na isyuhan na sila ng warrant of arrest.

Pinuna rin ng senador ang kapabayaan ni DPWH Bulacan First Engineering District Office official Henry Alcantara sa pag-apruba ng mga maanomalyang flood control projects.

Inamin ni Alcantara na may mga proyekto nang nabayaran kahit hindi niya nalalaman, dahil nagtitiwala siya sa kanyang mga tao na nakapirma na.

Tiniyak ni Ejercito na isusulong ang pananagutan sa mga ghost flood control projects sa Bulacan at Mindoro at matiyak na maipapataw ang full force of the law.

About The Author