Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United States sa patuloy na suporta, partikular sa modernisasyon ng Philippine military.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang mag-courtesy call ang mga miyembro ng U.S. Senate Armed Services Committee sa Malacañang.
Sa naturang pagbisita sa Palasyo, pinasalamatan din ni U.S. Senator Roger Wicker ang Pilipinas sa suporta sa Amerika.
Anya, ang relasyon ng dalawang bansa ay masasabi niyang isa sa pinakamahalaga at “most growing in terms of closeness” na mayroon sila.
Noong Abril ay inihayag ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez na plano ng bansa na humiling ng long-term loan sa Washington para sa pag-acquire ng 20 “brand-new” F-16 fighter jets at iba pang defense equipment.