dzme1530.ph

Pamamahagi ng recovery kits sa mga paaralang sinalanta ng kalamidad, sinimulan na ng DepEd

Loading

Naglaan ng ₱4 milyon ang Department of Education (DepEd) para suplayan ng learning recovery kits ang mga paaralan na sinalanta ng kalamidad.

Ito ay para mapalitan ang mga learning materials na nasira ng mga bagyo at baha.

Ang mga kit na tinawag na “Edukahon” ay sinimulang ipamahagi sa Tabaco National High School sa Albay.

Ang isang Edukahon ay para sa isang guro at 40 mag-aaral, at naglalaman ng notebook, lapis, ruler, laminated posters, hygiene packs, at first aid kits.

Mayroon ding ilang kits na naglalaman ng karagdagang items tulad ng solar panel sets.

About The Author