dzme1530.ph

Online tracker, para sa flood control projects, inilunsad ng DBM

Loading

Naglunsad ang Department of Budget and Management (DBM) ng online tracker upang masubaybayan ang mga flood control projects ng gobyerno at palakasin ang transparency, lalo na sa gitna ng imbestigasyon sa iregular na kontrata.

Bahagi ang tracker ng Project DIME o Digital Information for Monitoring and Evaluation, na gumagamit ng satellites, drones, at geo-tagging upang matukoy ang progreso ng malalaking proyekto.

Dito, maaari ring magbigay ng feedback ang publiko gamit ang kanilang Google o social media accounts.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makarating sa publiko ang impormasyon tungkol sa mga proyekto at programang pinopondohan ng gobyerno.

Una nang ipinakilala ang Project DIME noong 2018 at muling binuhay sa ilalim ng Executive Order 31 noong 2023 bilang bahagi ng Philippine Open Government Partnership.

About The Author