dzme1530.ph

Mga Pinoy, greed control na ang hanap at hindi flood control —Lacson

Loading

Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na hindi na flood control ang hanap ngayon ng taumbayan kundi greed control.

Ayon sa senador, malawak na ang katiwalian sa flood control projects dahil sa talamak na palpak, substandard, at mga guni-guning proyekto.

Dagdag pa nito, hindi pa nakuntento ang mga sangkot sa pie sharing o hatian sa pondo at umabot pa sa paggawa ng mga ghost projects.

Sumobra na aniya ang pagiging ganid ng mga sangkot sa katiwalian at wala na silang pakialam kahit sino ang masagasaan

Dapat aniyang managot administratively o criminally ang mga opisyal na sangkot sa anomalya.

Binatikos din ng senador ang monitoring system ng DPWH na bigo umanong mabantayan ang mga proyekto, lalo na’t ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang undersecretary.

Kinontra rin ni Lacson ang pahayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na “isolated” lang ang mga ghost flood control projects, dahil mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umano ang nakadiskubre at nagsiwalat ng mga ito sa Bulacan at iba pang lugar.

About The Author