Inaasahang aabot sa 35,000 ang rehistradong electric vehicles (EV) sa bansa hanggang sa pagtatapos ng 2025, mula sa 24,000 na naitala noong 2024.
Batay sa datos ng Land Transportation Office (LTO), sinabi ni Edmund Araga, presidente ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), na umabot na sa 29,715 ang narehistrong EV mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Sa kabuuan, 28,353 ang bagong rehistro habang 1,362 ang nag-apply para sa renewal.
Iniugnay ni Araga ang pagdami ng EVs sa suporta ng pamahalaan sa paggamit ng alternatibong sasakyan kapalit ng fuel-powered vehicles upang mabawasan ang carbon emissions.