dzme1530.ph

Pagtataas ng sahod ng OFW domestic workers, pinuri ng Kamara

Loading

Pinuri ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang Department of Migrant Workers (DMW) sa inisyatibo nitong itaas sa $500 ang minimum wage ng mga Filipino domestic workers.

Ayon sa chairman ng komite, AGIMAT Party-list Rep. Bryan Revilla, malaking hakbang ito dahil bawat dolyar na nadaragdag sa kanilang sahod ay katumbas ng mas maayos na pagkain, edukasyon, at kinabukasan ng kanilang pamilya.

Gayunman, giit ni Revilla, nagpapatuloy pa rin ang laban para sa karapatan at dignidad ng overseas Filipino workers (OFWs).

Hindi lamang umano ito laban ng OFWs, kundi laban din ng buong sambayanang Pilipino.

Dagdag pa ng kongresista, bagama’t malayo na ang narating ng laban, mahaba pa rin ang tatahakin upang makamit ang makabuluhang reporma sa mga polisiya at programang nakatuon sa mga OFW, na tinaguriang mga bagong bayani.

About The Author