dzme1530.ph

Rep. De Lima, nagtaka sa pananahimik ni PBBM sa pagsibak kay Torre

Loading

Palaisipan kay Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima ang pananahimik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsibak kay dating PNP Chief Nicolas Torre III.

Sa briefing ng House Committee on Public Order and Safety, inamin ni de Lima na naguguluhan siya sa nangyari.

Lumilitaw na tinanggal si Torre dahil lumabis umano ito sa kanyang otoridad.

Para kay de Lima, mahalagang magsalita ang Pangulo dahil hanggang ngayon memo lamang ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na “by the authority of the President,” ang basehan ng pagsibak.

Gayunman, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nagtitiwala pa rin ang Pangulo kay Torre, kaya nananatiling kwestyon kung bakit ito inalis.

Giit naman ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, nilabag ni Torre ang otoridad ng NAPOLCOM na nakasaad sa Saligang Batas nang magpatupad ito ng balasahan sa mga mataas na opisyal ng PNP.

May mga appointment din umano na walang clearance mula sa NAPOLCOM, bukod pa sa mga paglabag sa Civil Service Law at iba pang NAPOLCOM resolutions.

About The Author