Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista na sumunod sa batas-trapiko kung ayaw nilang maparusahan.
Ginawa ng DOTr ang panawagan kasabay ng pag-anunsyo na umabot sa 420 drivers’ licenses ang kanilang binawi, at mahigit 2,000 show-cause orders ang inilabas laban sa mga violator na kalaunan ay sinuspinde ang lisensya sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ito na ang pinakamataas na bilang ng drivers’ licenses na kinansela at sinuspinde ng DOTr at ng Land Transportation Office (LTO).
Idinagdag pa ni Dizon na simple lang ang hiling ng pamahalaan ito ay ang sumunod sa batas.
Binigyang-diin ng kalihim na ginagawa nila ang ganitong paghihigpit upang protektahan ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lansangan, kabilang ang mga motorista, pedestrian, at commuter.