Lilipad patungong Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit sa susunod na buwan bago tumulak sa U.S. para dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, ang biyahe ng Pangulo sa Cambodia mula Setyembre 7 hanggang 9.
Inanunsyo rin ni Castro ang pagdalo ni Pangulong Marcos sa UNGA sa New York sa huling bahagi ng susunod na buwan.
Sinabi ng Palace official na ang Department of Foreign Affairs na ang magbibigay ng iba pang detalye sa dalawang biyahe ng Punong Ehekutibo.
Nabatid na bubuksan ang 80th session ng UN General Assembly, kung saan nagtitipon ang world leaders tuwing Setyembre ng bawat taon sa New York, sa Setyembre 9, habang ang high-level general debate ay itinakda mula Setyembre 23 hanggang 29.