Pormal nang inilunsad ng Department of Education ang Generation Hope Program na layong tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Sa ilalim ng programa, ang kita mula sa mga produktong Hope in a Bottle at Hope in a Box ay ilalaan sa pagpapatayo ng mga classroom sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
Ayon sa DepEd, bawat Hope Classroom ay may sukat na 7-by-9 meters at dinisenyong matibay laban sa matitinding panahon. Mayroon itong chalkboard, mesa ng guro, wall fans, malalaking bintana, cathedral-style ceiling at sariling banyo.
Layunin ng proyekto na magbigay ng ligtas at functional na kapaligiran para sa mas epektibong pagkatuto, lalo na sa mga lugar na kulang sa pasilidad.