dzme1530.ph

Agri students, inirekomendang isama sa 4Ps program

Loading

Inirekomenda ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon na isama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga agriculture student na labing walong taong gulang pataas.

Sa pagdinig ng House Committee on Poverty Alleviation, iminungkahi nito na ang mga magtatapos sa kursong agrikultura ay dapat mabigyan ng hindi bababa sa dalawa hanggang tatlong ektaryang lupang sakahan bilang starter land.

Aniya, makatutulong ito sa food security at maging sa paglutas ng problema sa baha.

Sinabi naman ni House Panel Chairperson Gloria Macapagal Arroyo na kinokonsidera ng Technical Working Group ang lahat ng suhestiyon para sa pagpapahusay ng 4Ps.

About The Author