dzme1530.ph

Apat na araw na power interruption sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw

Loading

Nagbigay-abiso ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) hinggil sa naka-schedule na power interruption sa NAIA Terminal 3 ngayong araw, bukas, at sa Setyembre 2 at 3, 2025.

Ayon sa NNIC, bahagi ito ng pag-install ng bagong uninterruptible power supply (UPS) system katuwang ang Meralco Energy Inc., upang mas mapatatag ang power system at maiwasan ang mga aberya sa hinaharap.

Tiniyak ng pamunuan na hindi maaapektuhan ang flight operations at mananatiling normal ang mga pangunahing serbisyo tulad ng check-in, security, at boarding.

Gayunman, maaapektuhan ang mga stand-alone air-conditioning units sa boarding gates, habang bahagyang iinit ang ilang lugar sa terminal dahil sa epekto sa centralized air-conditioning system.

Humingi ng pang-unawa ang NNIC sa publiko, dahil bahagi anila ito ng kanilang modernisasyon para sa mas ligtas at komportableng karanasan ng mga pasahero.

About The Author