Ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno na mahigit dalawandaang flood control projects na nagkakahalaga ng ₱14 bilyon sa kanilang lungsod ay ipinatupad nang walang kaukulang permit.
Ipinaalala ng alkalde na sa ilalim ng Section 26 at 27 ng Local Government Code, kinakailangang makipag-ugnayan muna sa pamahalaang lokal bago ipatupad ang anumang proyekto.
Kasunod ng pagkakadiskubre, ipinag-utos ni Moreno ang agarang inspeksyon sa mga nakalistang proyekto. Sa Sta. Mesa pumping station, nadiskubre ng mga inspector na drained na ang generator na naka-depende lamang sa baterya ng sasakyan.
Nanindigan naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang pagbaha sa Maynila ay dahil sa basura at mababang terrain.