Mas marami pang proyekto ang pinagkakakitaan ng mga kontratista at maging ng ilang tiwaling kawani ng gobyerno bukod sa flood control projects.
Ito ang tahasang sinabi ni Sen. Imee Marcos sa paggiit na bulok na rin ang sistemang pinaiiral ng ilang tiwali sa pagpapasok ng mga proyekto sa pambansang pondo.
Tinukoy ng senador na mas malala pa ang iregularidad sa mga proyektong tulad ng road barriers, cat’s eye, netting, solar at street lights.
Nanghihinayang pa si Sen. Imee sa magagaling na opisyal ng mga ahensya ng gobyerno subalit nagkakaproblema kapag pinakialam na aniya ng mga pulitiko.
Muli pa nitong binanggit ang isang “bondying” na aniya’y bulok na ang sistemang pinaiiral sa insertion ng budget at marami na ring pananagutan.
Nang tanungin kung sino ang tinatawag niyang bondying, iginiit nitong maraming bondying na kapag sinita ay nag-iiyakan.