Inamin ni Sen. Imee Marcos na personal niyang pinaalalahan si relieved PNP Chief Police General Nicolas Torre III na magdahan-dahan sa kanyang mga aksyon sa paglilipat at pagtatalaga ng mga opisyal.
Tinukoy ng senadora ang pagkakademote noon kay Police Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., gayundin ang mga regional director na itinalaga ni Torre na hindi dumaan sa konsultasyon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, gayong ito ang pinakaboss.
Ayon kay Marcos, may impormasyon rin siya na inabuso ni Torre ang kanyang posisyon, at namumulitika, dahil may balak umano itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028, ayon sa kaniyang mga kaklase.
Iginiit pa ng senadora na nakakahiya na nalaman pa ng publiko ang tila alitan nina Remulla at Torre.