dzme1530.ph

Alex Eala, gumawa ng kasaysayan bilang unang Pinoy na nagwagi sa Grand Slam main-draw match sa Open Era

Loading

Pinuri ni Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Robert Nazal si Pinay tennis star Alex Eala bilang kauna-unahang Filipino na nagwagi sa isang Grand Slam main-draw match sa Open Era.

Tinawag ni Nazal ang tagumpay ni Eala bilang “triumph of resilience and national pride.”

Aniya, ipinakita ni Eala sa buong mundo ang kakayahan ng mga Filipino at ang determinasyon na makamit ang tagumpay kahit sa mahirap na sitwasyon.

Hinimok din ni Nazal ang mga Pilipino na magbigay ng mas malaking suporta sa lahat ng atleta, dahil ang tagumpay aniya na nakamit ni Alex ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang passion sa paboritong sports.

Lunes ng umaga, nang talunin ni Alex ang number 14 seed na si Clara Tauson matapos habulin ang limang match points sa isang epic two hours and 36 minutes battle.

Para naman kay dating BH Rep. Bernadette Herrera, inukit ni Eala ang pangalan ng Pilipinas sa tennis map at pinatunayan na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa world competition.

About The Author