Malaking porsyento ng mga Pilipino ang walang tiwala sa China at itinuturing ito bilang pinakamalaking banta sa Pilipinas bunsod ng agresibo nitong mga hakbang sa West Philippine Sea.
Batay sa survey ng OCTA Research na isinagawa noong July 12 hanggang 17, lumitaw na 85% ng 1,200 respondents ang hindi nagtitiwala sa China, habang 15% ang nagsabing dapat itong pagtiwalaan.
Ang pinakabagong pigura ay mas mababa mula sa kaparehong survey na isinagawa ng OCTA noong March 2024, kung saan 91% ng respondents ang nagsabing wala silang tiwala sa China.
Samantala, 74% o apat sa bawat limang respondents ang tinukoy ang China na nagtataglay ng greatest threat sa Pilipinas, nang papiliin mula sa sampung bansa.
Higit na mataas kumpara sa apat na porsyento na pumili sa Russia o North Korea.