Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang pagtaas ng kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) ay bunga ng mas maayos at mas malawak na pag-uulat, hindi dahil sa outbreak.
Ayon kay DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, 94% ng mga kaso ngayong 2025 ay “suspect” cases at hindi pa nakukumpirma sa laboratoryo.
Iginiit niya na ang mas mahigpit na pagmamatyag sa paaralan, daycare centers, at komunidad ang dahilan ng mas mataas na reporting, na mahalaga upang masubaybayan ang virus.
Ipinaliwanag din ng DOH na ang HFMD ay hindi nakamamatay at karaniwang gumagaling sa loob ng 7 hanggang 10 araw.
Pinakamataas ang naitalang kaso sa Western Visayas, sinundan ng MIMAROPA, Central Luzon, NCR, at CALABARZON.