dzme1530.ph

Mga anomalya sa flood control projects, tiyak na gawa ng sindikato

Loading

Naniniwala si Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na may sindikato sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga sinasabing iregularidad sa mga flood control projects.

Ayon kay Gatchalian, malinaw ang sabwatan ng ilang opisyal ng ahensya at mga kontratista kaya nakalusot ang mga proyekto.

Kasabay nito, sa pagbalangkas ng 2026 national budget, inihayag nito ang planong maglagay ng probisyon na ipagbabawal sa anumang proyekto ang mga kontratistang nahaharap sa imbestigasyon.

Hindi lamang ito sa flood control projects kundi pati na rin sa iba pang proyekto ng pamahalaan sa Department of Education, Department of Agriculture, at iba pang ahensya.

Nangako rin si Gatchalian na hindi siya magdadalawang-isip na i-zero ang pondo sa mga flood control projects kung hindi matitiyak ang pagiging epektibo ng mga ito.

Inihayag din niya na kumuha siya ng tatlong grupo, mga eksperto mula sa University of the Philippines, association ng mga project engineers, at isang construction management company, na tutulong sa pagsusuri ng mga ipinapanukalang flood control projects upang matiyak na tama ang specifications at hindi na maulit ang mga nakaraang problema.

About The Author