Inanunsiyo ng Nigeria ang deportasyon ng 102 banyaga, kabilang ang 39 na Pilipino, na nahatulan ng “cyber-terrorism at internet fraud.”
Ayon sa ulat ng Economic and Financial Crimes Commission (EFCC), ang mga deportees ay bahagi ng 792 na suspek na inaresto sa isang operasyon sa Victoria Island, Lagos noong Disyembre 2024.
Karamihan sa mga dayuhang suspek ay Chinese, na may kasamang mga Pilipino, Kazakh, at Tunisian.
Nahatulan ang mga suspek ng paglabag sa mga batas laban sa cyber-terrorism at internet fraud, at ang kanilang deportasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Nigeria laban sa mga transnational cybercrime syndicates.
Ang mga deportees ay dumaan sa legal proceedings para sa kanilang repatriation at pinayagan ng mga awtoridad na makauwi sa kani-kanilang bansa.