Inanyayahan ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon si Vice President Sara Duterte na dumalo sa gagawing hearing ng House InfraComm.
Ginawa ang paanyaya matapos sabihin ni VP Sara na karamihan sa mga kontratista na nakakakuha ng malalaking proyekto sa pamahalaan, gaya ng flood control projects, ay konektado rin sa mga kongresista.
Ayon kay Ridon, chairman ng Committee on Public Accounts, kung may personal na kaalaman ang pangalawang pangulo, mas mabuti itong isiwalat sa InfraComm.
Bukod kay VP Duterte, bukas din si Ridon na tanggapin bilang resource person si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Tiniyak ng mambabatas na magiging evidence-driven ang gagawing imbestigasyon ng tri-panel kasama ang DPWH at House Blue Ribbon panel.