Nakatikim ng sermon kay Sen. Erwin Tulfo ang ilang ahensya ng gobyerno dahil sa kabiguang maipatupad ng maayos ang batas kaugnay sa Malasakit Centers.
Ito ay makaraang lumitaw na kulang-kulang na ang mga tauhang nakatalaga sa ilang Malasakit Centers, na nagsisilbing one-stop shop medical assistance office.
Iginiit ni Tulfo na alinsunod sa batas ang Malasakit Centers program, kaya’t hindi dapat maantala ang operasyon kahit magpalit-palit pa ang administrasyon.
Sermon pa ng senador, hindi dapat pairalin ang pagiging “sipsip” sa kasalukuyang administrasyon.
Sa panig ni Sen. Christopher “Bong” Go, may-akda ng batas, iginiit na dapat maramdaman ng taumbayan ang tunay na malasakit ng gobyerno.