dzme1530.ph

Singson, tinanggihan alok na balik-DPWH; bukas na pamunuan ang imbestigasyon sa flood control anomalies

Loading

Kinumpirma ni dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na nakatanggap siya ng informal offers mula sa Malacañang para magsilbing susunod na kalihim ng DPWH, sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng ahensya bunsod ng flood control projects.

Ayon kay Singson, nagkaroon sila ng pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para talakayin ang integrated water resources management program ng administrasyon. Aniya, matagal na silang magkakilala ng Pangulo mula pa noong gobernador at senador pa ito.

Gayunman, nilinaw ni Singson na posibleng hindi magustuhan ng kanyang misis kung babalik siya sa gobyerno.

Bagaman tinanggihan niya ang alok na palitan si DPWH Secretary Manuel Bonoan, sinabi ng dating kalihim na handa siyang pamunuan ang independent panel na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects.

Si Singson ay nagsilbing DPWH secretary mula 2010 hanggang 2016 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

About The Author