Isiniwalat ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na chinap-chop ang flood control projects para lumiit ang mga proyekto at mapasailalim sa district engineers sa halip na sa central at regional offices.
Sinabi ni Singson na sa ngayon ay wala nang nakakarating sa central office, maging sa regional directors, dahil lahat ay nasa district engineers na.
Aniya, kung mayroong 1 billion pesos na project ay hahatiin ito sa tig-150 million pesos para hindi na umakyat sa mas matataas na opisyal.
Idinagdag ng dating kalihim na ang district engineers na nasa ilalim ng mga congressman at gobernador ay napaka-vulnerable sa political interference.
Si Singson ay nagsilbing DPWH chief simula July 2010 hanggang June 2016 sa ilalim ng administrasyon ni yumaong Pangulong Noynoy Aquino.