Humirit ang Department of Justice (DOJ) at mga attached agencies nito ng P40.9 billion na budget para sa susunod na taon, bahagyang mas mataas kumpara sa P39 billion na pondo sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong 2025.
Ayon sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026, P10.5 billion ang inilaan para sa Office of the Secretary, kung saan P8.5 billion ay para sa personnel services, P1.5 billion para sa maintenance at iba pang operating expenses, at P415 million para sa capital outlays.
Sunod na pinaglaanan ng pinakamalaking pondo ay ang Bureau of Corrections na P10 billion, habang P6.4 billion naman ang nakalaan sa Public Attorney’s Office. Bukod dito, may P5 billion na pondo para sa Bureau of Immigration at P3 billion para sa National Bureau of Investigation.