dzme1530.ph

Mga senador, bukas sa pagsasagawa ng random drug testing sa Senado

Loading

Bukas ang mga senador sa mungkahing magpatupad ng random drug test sa mga empleyado ng Senado kasunod ng isyu ng umano’y “marijuana session” sa gusali.

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na nananatili ang kanyang posisyon sa pagsuporta sa random drug testing para sa mga opisyal at staff ng Senado.

Tiwala aniya ito na sa ilalim ng liderato ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ay ipagpapatuloy ang hakbang na ito para sa integridad ng institusyon.

Handa rin si Villanueva na personal na sumailalim sa drug test bilang halimbawa sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Samantala, iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na nakakahiya para sa Senado ang umano’y insidente ng paggamit ng marijuana ng isang empleyado.

Aniya, dapat tapusin agad ang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan at matukoy kung sino ang gumamit ng iligal na droga.

Nararapat din aniyang agad tanggalin sa Senado ang sinumang mapatunayang sangkot dito.

About The Author