dzme1530.ph

DFA, sinisingil muli ang China dahil sa pinsalang idinulot sa Filipino assets sa Ayungin Shoal

Loading

Sinisingil muli ng pamahalaan ng Pilipinas ang China bunsod ng pinsalang idinulot ng Chinese Coast Guard sa Filipino assets sa girian sa Ayungin Shoal noong Hunyo ng nakaraang taon.

Sa statement na ipinadala ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa Malacañang ngayong Biyernes, nakasaad na ipinaaalala ng Pilipinas sa China ang demand para sa kompensasyon sa mga nasirang Philippine vessels at equipment noong June 17, 2024.

Gayundin ang pagbabalik sa mga armas at kagamitan, at personal na gamit ng mga Pilipino na ilegal na kinuha ng mga Tsino sa nabanggit na petsa.

Magugunitang sa naturang insidente ay isang sundalo ang naputulan ng daliri, at inihayag ng AFP na sisingilin nila ng ₱60 million na kompensasyon ang China.

About The Author