dzme1530.ph

Macalintal, umapela sa SC na ideklarang labag sa konstitusyon ang pag-urong ng 2025 BSKE

Loading

Hiniling ng veteran election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema na ideklarang labag sa Konstitusyon ang kalalagdang batas na naglilipat sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Disyembre 2025 patungong Nobyembre 2026.

Sa kanyang petition for certiorari and prohibition, iginiit ni Macalintal na hindi nabanggit sa Republic Act 12232 ang salitang “postponement.”

Binigyang-diin nito na hindi maituturing na balidong dahilan ang pagtatakda ng termino ng mga opisyal ng barangay para ipagpaliban ang halalan, dahil wala naman itong basehan sa desisyon ng Korte Suprema.

Tinukoy nito ang 2023 SC decision sa Macalintal vs. COMELEC, kung saan sinabi ng Korte na labag sa Saligang Batas na ipagpaliban ang BSKE nang walang sapat na dahilan.

Kasama sa kaniyang petisyon ang hiling na maglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o status quo ante order na mag-aatas sa Office of the President na ihinto ang pagpapatupad ng naturang batas.

About The Author