Wala pang mabigat na dahilan upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III sa gitna ng pagbuhay ng usaping charter change sa Kamara.
Sinabi ni Sotto na ito ay maliban na lamang kung aamyendahan na mismo ng Korte Suprema ang konstitusyon sa pamamagitan ng ruling sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sotto, hihintayin muna niya ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa mga nakabinbing motion for reconsideration kaugnay ng naging ruling na unconstitutional ang impeachment case laban sa pangalawang pangulo bago magpasya kung susuportahan o hindi ang panukalang ChaCha.
Matatandaang inihain ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment laban kay VP Sara noong February 5, subalit June 19 lamang nag-convene ang Senado bilang impeachment court.
Noong July 25, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case.