dzme1530.ph

Senate Committee on Constitutional Amendments, magsasagawa ng public consultations sa binubuhay na ChaCha

Loading

Kinumpirma ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes chairman Kiko Pangilinan na magsasagawa sila ng public consultations sa binubuhay na charter change.

Sinabi ni Pangilinan na target nilang alamin sa konsultasyon ang sentimyento ng publiko kaugnay sa panukalang pagbabago sa political at economic provisions ng Saligang Batas.

Aalamin din ang paniniwala ng publiko kaugnay sa magkakaibang paraan upang amyendahan ang konstitusyon at ang posibleng epekto nito sa pulitika at lipunan.

Plano ni Pangilinan na imbitahan sa konsultasyon ang mga eksperto sa konstitusyon, civil society groups, grupo ng mga negosyante, mga lokal na pamahalaan, at ordinaryong mamamayan.

Magkakaroon aniya ng consultative at transparent na proseso sa pagtalakay.

Sa ngayon, isang panukala kaugnay sa ChaCha ang nakahain na sa Senado sa pamamagitan ng Resolution of Both Houses No. 1 ni Sen. Robin Padilla.

About The Author