dzme1530.ph

Panawagang transparency at accountability sa flood control projects, suportado ng isang senador

Loading

Suportado ni Sen. Bam Aquino ang panawagan ng ilang lokal na chief executives para sa mas malinaw na transparency at mahigpit na accountability sa pagpapatupad ng mga flood control project sa bansa.

Kabilang sa mga opisyal na nagpahayag ng pangamba sa umano’y kuwestiyonableng kontrata at hindi natapos o hindi epektibong flood control projects sina Mayor Benjie Magalong ng Baguio City, Mayor Raisa Trenas ng Iloilo City, Mayor Vico Sotto ng Pasig, at Manila Mayor Isko Moreno.

Ibinunyag nila ang kakulangan sa malinaw na impormasyon hinggil sa mga proyektong ito sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang pahayag ng mga alkalde ay kasunod ng pagbubunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 15 kontratista ang kumubra ng halos 20 porsyento ng P545.64 bilyong pondo para sa flood control program ng pamahalaan.

Iginiit ni Aquino na dapat nagsisilbi ang gobyerno upang protektahan ang mamamayan laban sa baha, at hindi maging gatasan ng mga tiwaling opisyal.

Una nang inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 28 para imbestigahan ang paggamit ng P360 bilyong pondo para sa mga proyektong flood control sa 2025, kabilang ang pagiging epektibo, prayoridad, at maayos na implementasyon ng mga ito.

About The Author