dzme1530.ph

BOC, mahigpit na ipatutupad ang rice import ban para sa proteksyon ng lokal na magsasaka

Loading

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na pagpapatupad ng 60-araw na suspensyon sa rice importation na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang proteksyon sa mga lokal na magsasaka laban sa murang angkat na bigas.

Ayon kay Commissioner Ariel Nepomuceno, walang lusot ang smuggling sa bansa.

Pinaigting na aniya ng BOC ang seguridad sa mga pantalan, pinalakas ang intelligence operations, at pinabuti ang koordinasyon sa Department of Agriculture (DA).

Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA), hinimok ng Pangulo ang mas mahusay na serbisyo mula sa mga ahensya ng gobyerno, dahilan kung kaya’t todo-kayod ang BOC upang masiguro ang proteksyon ng lokal na agrikultura.

Umabot na sa ₱354-M ang halaga ng mga smuggled agricultural goods na nakumpiska noong Hulyo, na patunay ng matinding kampanya ng BOC laban sa illegal smuggling.

About The Author