Bumaba ang bilang ng mga estudyanteng hirap magbasa, ayon sa Department of Education (DepEd), dahil sa kanilang bagong learning initiatives.
Ayon sa DepEd, mula sa 51,537 ay bumagsak sa 1,871 ang bilang ng 3rd-grade students na itinuring na “low-emerging readers” sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa tulong ito ng summer literacy drives, gaya ng Learning Recovery Program (LRP) at Bawat Bata Makababasa Program (BBMP).
Sa Northern Mindanao, malaki ang itinaas ng bilang ng mga mag-aaral na nakakabasa na simula Grades 1 hanggang 3, sa mga asignaturang mother tongue, Filipino, at English.
Sa kabuuan, inihayag ng DepEd na nag-improve ang reading skills ng 50,000 learners sa pamamagitan ng LRP at karagdagang 42,000 sa tulong naman ng BBMP.