Hindi tututulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-con).
Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, basta maisasara nito ang loopholes sa mga probisyon na nakasaad sa Saligang Batas.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos manawagan si Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City ng Con-con para maamyendahan ang 1987 Constitution, na aniya ay nagtataglay ng ilang probisyon na malabo at mayroong procedural deficiency.
Sa privileged speech noong Lunes, inilarawan ni Puno ang Con-con bilang “most prudent, transparent at participatory mechanism” para sa Charter Change (Cha-cha).
Sa ilalim ng Con-con, boboto ang electorate ng mga delegado na magpo-propose ng amendments, na isasailalim sa ratipikasyon sa pamamagitan ng plebisito.