dzme1530.ph

Tumataas na kaso ng leptospirosis, pinasusuri sa Senado

Loading

Nais ni Sen. Camille Villar na magsagawa ang Senado ng pagbusisi sa pagtugon ng Department of Health at iba pang ahensya sa tumataas na kaso ng leptospirosis.

Sa kanyang Senate Resolution, nais matukoy ni Villar ang mga paraang isinasagawa ng DOH at iba pang ahensya upang mapababa ang kaso ng pagkamatay dahil sa naturang sakit.

Target din ng imbestigasyon na makabuo ng mga hakbangin upang mapalakas ang prevention and control laban sa leptospirosis.

Sinabi ni Villar na ang leptospirosis ay maituturing na public health problem na nakaapekto sa productive age group at mga nakatira sa flood-prone areas.

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangang pakakasin ang laban sa leptospirosis, malimitahan ang casualties, maipakalat ang tamang impormasyon at matiyak ang nararapat na treatment.

Sa impormasyon ng DOH, kabuuang 2,396 ang kaso ng leptospirosis mula June 8 hanggang August 7 na ang karamihan ay naitala sa Metro Manila.

About The Author